Ano Ang Masamang Epekto Nito?
Ano ang masamang epekto nito?
Ang masamang epekto ng BULLYING ay..
TAKOT
Dahil sa takot baka gustuhin ng isa na wag ng mag-aral pa. Ito ay makakaapekto sa kanyang pag-aaral.
KAWALAN NG TIWALA
Dahil sa bulliying baka ilayo ng isa ang kaniyang sarili sa iba dahil sa kawalan ng pagtitiwala at pag-iisip na pwede siyang saktan ng mga ito. Apektado nito ang kaniyang sosyal na pakikipag-ugnayan sa iba.
KABIGUAN
Dahil sa bullying,isipin niya na mas nakalalamang ang iba at ikumpara niya ang kaniyang sarili sa iba. Magdudulot ito ng kawalan ng gana sa buhay at pagbubukod ng sarili. Nagdudulot din ito ng pagiging malungkutin.
STRESS/PAGKAKASAKIT
Dahil sa bullying,sobrang maiistres ang isa sa kakaisip ng mga bagay-bagay na pwedeng humantong sa malalang pagkakasakit.
ANO ANG MAAARING ITINATANONG NG MGA NABUBULLY SA KANILANG SARILI?
1.) May nagmamahal pa ba sa akin?
2.) Bakit nila ito ginagawa sa akin?
3.) Masama ba akong tao?
4.) Bakit ayaw nila akong tigilan?
5.) Hindi ko ba sila pwedeng maging kaibigan.
6.) Sumali kaya ako sa gang para may magtanggol sa akin?
7.) Tapusin ko na lang kaya ang buhay ko?
Konklusyon: Ilan lamang iyan sa posibleng masamang epekto sa mga nabubully. At hindi madali at nakatatakot ang problemang ito,lalo na sa mga kabataan.
Para sa higit na impormasyon.
Comments
Post a Comment