Bakit Kailangan Ng Panahon Pag Magpapasya
Bakit kailangan ng panahon pag magpapasya
Bakit kailangan ng paglalaan ng sapat na panahon kapag magpapasya?
Napakahalaga na kapag tayo ay gumagawa ng desisyon o pasya ay pinag-iisipan natin ito ng mabuti. Dapat ay tayain natin ang ibat ibang epekto ng bawat pagpipilian upang mapadali ang ating pagpili ng pasya. Mahalaga rin na ating damdamin o gamitin ang puso bilang gabay sa paggawa ng pasya. Ito ang magpaparamdam saatin kung tayo ay papunta sa tamang direksiyon o hindi. Sa pagpapasya, napakahalaga rin ng pagbibigay ng sapat na panahon upang maiwasan ang padalos-dalos na desisyon. Kung ito ay susundin, malaki ang posibilidad na tayo ay makagawa ng wastong pasya.
Para sa mga karagdagang impormasyon ukol sa importansiya ng sapat na panahon kapag magpapasya, maaaring pumunta sa pahinang ito: brainly.ph/question/541563
Ano ang kahulugan ng mabuting pagpapasya?
Ang wasto o mabuting pasya ay hindi makasarili at hindi padalos-dalos. Ito ay nagsasaalang-alang ng kaayusan at kabutihan ng nakararami at sumusunod sa kagustuhan ng Panginoon. Ang ating mga pagpapahalaga o values ay isang indikasyon sa pagpili ng desisyon. Upang mas maintindihan ang ibig sabihin ng mabuting pagpapasya, maaaring pumunta sa pahinang ito: brainly.ph/question/531152
Paano gumawa ng tamang pasya? Narito ang ilan sa mga hakbang upang makagawa ng wastong desisyon. Ito ay paggabay sa paggawa ng mabuting pagpapasya.
- Magkalap ng kaalaman. Maaaring humingi ng payo sa mga nakakatanda tulad ng magulang, lolo at lola, tito at tita, at guro.
- Magnilay sa mismong aksiyon. Isiping mabuti kung ano ang mga magiging epekto ng bawat pasya.
- Hingin ang gabay ng Diyos. Huwag kalimutang magdasal. Ang Diyos ay mas malaki kaysa sa ating mga problema.
- Tayain ang damdamin sa napiling pasya. Pakiramdaman kung ikaw ay kakabahan o hindi sa iyong pasya.
- Pag-aralang muli ang pasya. Bigyan ng sapat na panahon ang paggawa ng desisyon.
Para sa mga halimbawa ng sitwasyon sa pagpapasya, maaaring pumunta sa pahinang ito: brainly.ph/question/531152
Comments
Post a Comment