Bakit Nararapat Magmahalan Ang Magkakapatid Sa Halip Na Mag-Away At Magkasakitan?
Bakit nararapat magmahalan ang magkakapatid sa halip na mag-away at magkasakitan?
Nararapat na magmahalan ang magkakapatid sa halip na mag-away at magkasakitan sapagkat sila ang mga taong tutulong sayo at gagabay sayo na walang hinihinging anumang kapalit kapag dumating ang oras na magkaroon ka ng isang problema na halos lahat ng iyong mga kaibigan ay hindi ka na kinikilala. Sinasabi nga na ang pamilya mo lamang ang kayamanan na hindi kailanman mananakaw at ang kanilang pagmamahal ang maituturing na wagas na pagmamahal. Kahit na nalimutan mo sila sapagkat marami kang ginagawa sa huli sila pa rin ang iyong malalapitan sa oras ng pangangailangan o kagipitan, sila ang mga taong ibibigay sa iyo ang kanilang balikat upang may masandalan ka muling bumangon sa iyong kinahaharap na problema.
Comments
Post a Comment