"Kabanata 19;Ang Mitsa Mahalagang Pangyayari Lang Please........"

Kabanata 19;Ang Mitsa mahalagang pangyayari lang please........

El Filibusterismo

Kabanata 19: Ang Mitsa

Mahalagang Pangyayari:

Sa kabanatang ito ang mahalagang pangyayari ay ang pagbabalik loob ni Placido sa pag aaral. Ito ay matapos na siya ay dalawin ng ina sa dormitoryong tinutuluyan nito. Gayun pa man may mga pangyayari sa kabanatang ito na nagbigay kahulugan sa pamagat nito na ang mitsa. Sa kabanatang ito kasi ay nagkita si Simoun at Placido. Kay Simoun nakahanap ng isang kaibigan si Placido habang ang isip niya gulo ukol sa pag aaral. Nawalan ng gana na mag aral si Placido matapos na hindi siya makilala ng guro sa kabila ng ilang taon niyang pamamalagi sa unibersidad at sa pagkakaroon ng matataas na grado.

Ang pagpapakita ni Simoun kay Placido ng pagawaan ng pulbura ay may pakahulugan. Sapagkat nais din gisingin ni Simoun ang damdaming mapaghiganti ni Placido upang ito ay tuluyan ng sumapi sa samahan ng mga mag aaral na nakikibaka para sa pagpapatayo ng akademya. Anuman ang dahilan niya sa pagsama kay Placido sa lugar na iyon ay tanging siya lamang ang tunay na nakakaalam. Sa puso ni Simoun ay hindi siya masama at ang tangi lamang niyang ninanais ay mabigyan ng katarungan ang nangyari sa ama na labis niyang mahal.

Read more on

brainly.ph/question/1372602

brainly.ph/question/1353838

brainly.ph/question/2142054


Comments

Popular posts from this blog

Bakit Sinasabi Ni Pilosopong Tasyo Na Higit Na Nakakalibang Ang Makinig Ng Sermon Kasya Sa Manood Ng Dula? Kabanata 30 Sa Noli Me Tangere

"Ano Ang Ibig Sabihin Ng Ipanabing?"