Magbigay Ng Isang Ng Iyong Gawain Na Makatutulong Sa Inyong Paaralansa Loob Ng Isang Lingo
Magbigay ng isang ng iyong gawain na makatutulong sa inyong paaralansa loob ng isang lingo
Ang mga bagay na MAKATUTULONG SA INYONG PAARALAN AY..
AKTIBONG PAKIKIISA SA GAWAIN
Kapag nag-aaral sa isang paaralan,hindi na nawawala ang mga homework, project at activities. Bilang mag-aaral kailangang nakikibagi ang isa rito kung ito ay pinapayagan o nasa tama.
MAKINIG AT SUMUNOD SA GURO
Kapag ikaw ay seryosong nakikinig sa sinasabi ng iyong guro,mas malamang na marami kang matutunan. Malaki ang magagawa nito para makasagot ka sa tanong sagot na talakayan at mas tumaas ang grado mo.
HUWAG MAG-KALAT
Para mapanatili ang kalinisan sa loob ng paaralan at makaiwas ang mga mag-aaral sa posibleng pagmulan ng sakit. Nakatutulong din ito para ang isa ay magkaroon ng disiplina sa sarili.
HUWAG MAMBULLY AT MAKIPAG-AWAY
Makatutulong ito upang maiwasan ang pagtatalo ng mga magulang sa magulang at guro sa magulang. Maiiwasan din ang mga masamang resulta nito. Makakatulong din ito na masave ang time ng mga guro at maipokus lang ang kanilang panahon sa pagtuturo.
MAGING MABAIT AT MATULUNGIN
Kapag nakita ng mag-aaral na kailangan ng tulong ng kaniyang guro dapat na natumulong siya. Ito man ay sa paglilinis o pagbibitbit ng kaniyang gamit. Maging matulungin at mabait din sa iyong mga kapwa kaiskwela.
Konklusiyon: Ang sasabuhay o pagkakapit ng mga bagay na nabanggit ay makatutulong kapawa sa iyo, sa pamilya at sa paaralan sa loob ng isang linggo o kahit pangmatagalan.
Comments
Post a Comment